Pagtuturo para sa Pagtatasa sa Pagsasalita
Pagsasalita sa Ingles
Ikaw ay dapat mayroong:
- Computer na may speakers at mikropono
- Hindi paputol-putol na koneksiyon sa internet
- Tahimik na silid sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto
Ang pagsusulit ay may 3 bahagi:
- Pagsusuri ng Mikropono: 3 tanong
- Makinig at Ulitin: 30-40 tanong
- Malayang Pagsagot: 3 tanong
Kasunduan sa Integridad
Pakibasa at kumpirmahin na sumasang-ayon ka sa mga pagkilos na ito sa kabuuan ng pagsusulit:
- Maging mag-isa sa isang tahimik na silid
- Isara ang iba pang app at tab ng browser
- Patayin ang iba pang mga elektronikong aparato
- Linisin ang espasyo sa paligid mo
Sumasang-ayon ako na:
- Gagawin ko ang pagsusulit sa isang tahimik na silid kung saan ako ay mag-isa.
- Isasara ko ang lahat ng iba pang app at tab ng browser.
- Papatayin at ililigpit ko ang anupamang device.
- Lilinisin ko ang espasyo sa paligid ko.
- Ako si [Pangalan] at kaya kong magbigay ng ID na may larawan kung hihingin man ito.
Tandaan: Makakatanggap ang [Account] ng data mula sa iyong pagsusulit upang suriin kung natutugunan ang mga tuntuning ito.
Setup ng Screen Capture
Tinitiyak ng screen capture ang pagiging patas sa lahat
- Ika-capture namin ang iyong screen sa kabuuan ng pagsusulit.
- Susuriin namin upang siguraduhing ang iba pang app at tab ay nakasara
- Ang screen capture ay ibabahagi sa [Account]
- Ang kahina-hinalang gawain o pag-uugali ay magkakansela ng iyong pagsusuri
Mga Panuto
- I-click ang “Umpisahan ang Screen Capture” sa ibaba
- Piliin ang “Buong Screen” – Tanging ang opsiyon na ito ang magpapahintulot sa iyong magpatuloy.
- I-click ang “Ibahagi”
Ikaw ay hindi pahihintulutang magpatuloy kung ang screen capture ay hindi gumagana sa anumang punto
Background sa Wika
Kailangan ka naming bigyan ng ilang katanungan tungkol sa iyong background sa wika para sa aming Artificial Intelligence (AI). Mangyaring sagutin ang mga tanong na ito nang tumpak hangga’t maaari. Ang iyong mga sagot ay hindi makakaapekto sa iyong mga resulta pero maaari nitong tulungan kaming mapabuti ang pagsusulit sa hinaharap. Ang lahat ng tanong ay kinakailangan.
Ilang taon ka nang nag-aaral ng Ingles?
- Ingles ang aking pangunahing wika
- Taon
Paano mo ire-rate ang iyong kakayahan sa Ingles sa mga sumusunod?
- Pangkalahatan
- Baguhan, Intermediate, Advanced, Mastery
- Pagsusulat
- Baguhan, Intermediate, Advanced, Mastery
- Pagsasalita
- Baguhan, Intermediate, Advanced, Mastery
Ginagamit ba ang Ingles sa iyong tahanan?
- Oo
- Hindi
Ikaw ba ay nakatira sa isang lugar kung saan maraming tao ang gumagamit ng Ingles araw-araw?
- Oo
- Hindi
Maliban sa Ingles, ilista ang ibang mga wikang iyong ginagamit upang makipag-usap:
Kung Ingles ang tanging wikang iyong ginagamit, i-type ang “wala”.
Mga Panuto para sa Bahagi 2: Malayang Pagsagot
Sa bahaging ito, iyong ipapamalas ang iyong abilidad sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtatapos ng ilang mas mahahabang gawain.
- Ang bawat sagot ay maaaring suriin batay sa kaugnayan nito sa gawain, katatasan, ganap na kawastuhan at bokabularyo.
- Ikaw ay mayroong 30 segundo upang maghanda at 60 segundo upang magsalita.
- Dapat kang magsalita nang hindi bababa sa 15 segundo upang ang iyong sagot ay maging kumpleto. Kung mas marami ang iyong sasabihin, magiging mas mainam ang aming pagsusuri.
Ang bahaging ito ay magtatagal ng humigit-kumulang 5 minuto.
Pagtuturo para sa Pagtatasa ng Pagsulat
Pagsusulat sa Ingles
Ikaw ay dapat mayroong:
- Hindi paputol-putol na koneksiyon sa internet
- Tahimik na silid sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto
Ang pagsusulit na ito ay may 2 bahagi:
- Maraming Pagpipilian: 12-25 tanong
- Malayang Pagsagot: 1 tanong
Mga Panuto para sa Bahagi 2: Malayang Pagsagot
Sa bahagi ng Malayang Pagsagot:
- May ipapakita sa iyo na prompt. Ang iyong gawain ay magsulat ng tugon sa prompt na ito.
- Magkakaroon ka ng 1 minuto upang suriin ang prompt at pag-isipan ang tungkol sa iyong tugon at pagkatapos ay 8 minuto upang isulat ang iyong tugon.
- Kailangan namin ng hindi bababa sa 120 salita para sa pagsusuri. Kung mas marami ang isusulat mo, magiging mas mainam ang aming pagsusuri.
Karagdagang Mga Wika
التعليمات باللغة العربية
Instructions en Français
Anleitung auf Deutsch
हिंदी निर्देश
Istruzioni in Italiano
日本語の説明書
Te Taetae n Imatang
普通话说明
Instrukcje w języku polskim
Instruções em Português
Инструкции на русском
O le Tautala Faaperetania
Instrucciones en Español
Lea Fakapalangi
Türkçe talimatlar